Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P3-M shabu nakompiska sa buy-bust

TINATAYANG  P2.7-milyong halaga ng  shabu ang nasabat sa isinagawang  buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cadiz City, Negros Occidental.

Sa ulat na ipinaabot kay PDEA Dir. Gen. Arturo Cacdac, Jr., nakuha ang nasabing epektos sa nahuling suspek na kinilalang si Jonathan Badilles,  na nakuhaan ng halos kalahating kilong shabu.

Nakatakas  ang kasabwat ni Badilles na kinilala ng mga awtoridad sa pangalang Ferd Reylan Maharujon.

Samantala, arestado sa lalawigan ng Sultan Kudarat ang negosyanteng isa rin drug pusher na kabilang sa target listed drug personality ng PDEA.

Sa entrapment operation sa Barangay Saliao sa bayan ng Esperanza, 10 gramo ng shabu ang nakuha mula kay Raquel Delna, at nakompiska mula sa kanya ang limang rifle grenade, M-14 sniper riffle magazine assembly na may 17 bala, dalawang sub-machine gun at .9mm pistol na kargado ng mga bala.

Nakompirmang miyembro ng Al Khobar armed group si Delna na nasa likod ng pangiingikil, pambobomba at pagsunog sa mga binibiktimang kompanya.

Nakatakdang sampahan ang dalawang suspek ng paglabag sa section 12 at 15 Article 2 ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act) at Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions) si Delna.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …