Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Salvage victim itinapon sa kanal

NAKATALING parang baboy, nakabusal ang bibig at balot ng duct tape ang mukha nang matagpuan ang isang hindi nakilalang biktima ng salvage, sa Malabon city, iniulat kahapon ng madaling araw.

Tinatayang nasa 30-35-anyos ang bangkay, may taas na 5’1”, may tattoo sa dibdib, nakasuot ng  itim na t-shirt at cargo pants, na-tagpuan sa  kanal sa Guava Road, Brgy. Potrero  ng nasabing lungsod.

Dalawang hindi nakilalang suspek na sakay ng hindi naplakahang AUV   ang nakitang nagtapon sa na-sabing bangkay sa lugar.

Sa ulat ni SPO1 Edsel dela Paz, may hawak ng kaso, dakong 1:15 a.m. nang makarinig ng putok ng baril ang mga residente sa lugar.

Nang usisain ng mga residente,  kanilang nakita ang biktima  na may tama ng bala ng baril sa kaliwang te-nga na tumagos sa ulo na agad nila ipinaalam sa mga awtoridad.

Dinala ang bangkay sa Oak  Leaf Funeral parlor para sa awtopsiya at safekeeping. (rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …