Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roanne ng Miss Philippines Earth, kakabugin si Maja sa pagsasayaw!

ni  ROLDAN CASTRO

IDOL ni Roanne Refrea, Ms. Cabuyao ng Miss Philippines Earth 2014 candidate ang datingMiss Philippines Earth runner-up, TV reporter at host  ng ABS-CBN 2 na si Ginger Cornejo. Kung papasukin man ni Roanne ang showbiz pagkatapos ng Miss Earth ay gusto niyang tularan ang takbo ng career ni Ginger.

Mukhang malakas ang kaway ng showbiz kay Ms. Cabuyao dahil darling ito ng mga press. Talented din dahil sa official Facebook Account ng Ms. Earth 2014, si Roanne ang nakita naming nanalo ng gold sa Dancing Category sa MPE2014 Talent Night Competition.

May itatatapat na sa Dance Floor Princess na si Maja Salvador sa Kapamilya Network ‘pag pinasok niya ang showbiz, huh!

Edukada rin si Ms. Cabuyao dahil nagtapos siya ng Business Management sa San Beda College. Kumuha rin siya ng BS Human Resources Management sa De La Salle-College of St. Benilde. Naging Account Specialist din siya sa One Mega Group Inc. (Mega Publishing Group).

Produkto rin ng John Robert Powers si Roanne noong 2007 na malaking influence sa kanyang personality development.

Makamit kaya ni Ms. Cabuyao ang title sa Miss Earth Philippines? Malalaman natin sa coronation night sa May 11 sa Mall of Asia at mapapanood sa ABS-CBN 2.

Anyway, suportahan si Roanne sa pagboto sa kanya sa http://www.missphilippines-earth.com. Click like her photo then be sure to click CONFIRM to make your vote counted.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …