Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya minasaker ng 4 pamangkin (2 patay, 2 kritikal)

LEGAZPI CITY – Matagal nang alitan sa pamilya at away sa lupa ang tinitignang anggulo ng mga awtoridad sa pagmasaker sa isang pamilya sa Brgy. Togbon, Oas Albay kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na ang mag-amang sina Pavian Rectin Sr. at Pavian Rectin Jr., kapwa agad binawian ng buhay makaraan pagtatagain.

Habang kritikal sa ospital ang mag-ina ni Rectin Sr. na sina Virgenia at Jobert, nagawa pang makatakas sa kabila ng matinding tama sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bigla na lamang sumugod sa bahay ng mga biktima ang mga suspek na kinilalang sina Sadik at Sajid Roaring, at Betran at Rolex Rellama na mula sa parehong bayan at mga pamangkin ng mag-asawa.

Ayon kay Oas Municipal Police Station investigator SPO2 Harold Reolo, halos hindi na makilala ang mga biktima dahil sa matinding tama sa ulo, mukha at katawan mula sa pananaga.

Nakuha sa crime scene ang dalawang improvised shotgun at itak na ginamit ng mga suspek.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang operasyon ng mga awtoridad sa pagtugis sa mga salarin na mabilis tumakas makaraan ang krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …