ni ROLDAN CASTRO
BUHAY na naman ang mga Noranian at Vilmanian dahil maglalaban sa Gawad Urianang kanilang mga idolo. Parehong nominado sina Nora Aunor at Vilma Santos bilangBest Actress na katunggali sina Angeli Bayani, Cherie Gil, Eugene Domingo, Rustica Carpio, Agot Isidro, Vivian Velez, at Lorna Tolentino.
Gaganapin ang awards night sa June 17, Studio 9 and 10 sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN 2. Sina Piolo Pascual at Bianca Gonzales ang hosts kasama ang miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Mapapanood ito sa Cinema One at the same night, 10:00 p.m. at may mga replay ito sa weekend ng ika-21 at ika-22 ng Hunyo.
Nangunguna sa rami ng mga nominasyon ang Norte, Hangganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz at ang Dukit ni Armando Bing Lao na parehong may 10 nominasyon sa iba’t ibang kategorya. AngOn The Job naman at Porno ay nominado sa siyam na kategorya, habang ang Transit ay mayroong walong nominasyon ngayong taon. May anim naman na kategorya na nominado ang Riddle of my Homecoming at ang Ekstra. Ang mga pelikulang Badil at Ang Kuwento ni Mabuti ay may apat na nominasyon. Gagawaran naman ang direktor na si Mike de Leon bilang Natatanging Gawad Urian o katumbas ng Lifetime Achievement Award.