Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magdyowa timbog sa P.1-M shabu

BACOLOD CITY – Arestado ang live-in partners sa buy bust operation na sinundan ng pagsalakay ng Special Operations Group ng Bacolod City Police Office sa Purok Sigay, Brgy. 2 sa Lungsod ng Bacolod kamakalawa ng gabi.

Target ng operasyon ang live-in partners na sina Alma Sauce at Noel Kabugwason kapwa nabilhan ng shabu ng poseur buyer.

Nakuha sa kanila ang P100,000 halaga ng shabu, kalibre  .45 at .38 pistola, P5,700 cash, P400 marked money at drug paraphernalia.

Bukod sa dalawa, na-aresto rin ang kanilang kapitbahay na si Maria Fe Tomias na nakompiskahan ng P3,480 cash at P300 marked money, gayundin ang kasamang si alyas Christian na nasa loob ng bahay nang maganap ang raid.

Nabilhan din ng shabu ang nangngangalang John-john Diaz at alyas Jimboy ngunit nakatakas ang dalawa. (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …