Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lolo, 3 pa kulong sa sabong ng gagamba

KULONG ang 65-anyos lolo at tatlong iba pa, nang maaktohan sa pagsasabong ng gagamba na may pustahan, sa Navotas City kamakalawa ng hapon .

Kinilala ang mga suspek na sina Crispin Aningat, 65, at Jeffrey Villanueva, 40-anyos, kapwa ng A.R. Cruz, St., Erto Bautista, 22, ng J.B.Santos St., at Ramil Guiuan, 46, ng M. Valle st., pawang ng Brgy. Tangos ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong 3:30 p.m. kamakalawa, nakatanggap ang opisina ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ng text tungkol sa sugal sa sabong ng gagamba sa M. Valle St., ng nasabing barangay.

Agad tinungo ng mga awtoridad ang lugar at naaktohan ang mga suspek habang  malakas ang sigawan dahil sa malaking pusta at hindi nakatakbo ang mga suspek.

Nakompiska sa mga  suspek ang walong gagamba at gradas na gamit sa sabong at halagang P1,100 pusta.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …