MAS ikinokonsidera ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagbibigay ng insentibo imbes na itaas ang sahod ng mga manggagawa sa gobyerno.
Sa harap ito ng panukala ni Sen. Antonio Trillanes na taasan ang sahod ng government employees upang maiwasang matukso sa katiwalian.
Sinabi ni Pangulong Aquino, bagama’t ambisyon niyang maitaas ang sahod ng mga manggagawa sa gobyerno, masyado itong mabigat at mahirap mapondohan.
Ayon kay Pangulong Aquino, iniisip niyang imbes na cash, insentibo na lamang gaya ng housing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na maaaring palawakin sa ibang empleyado.
Inihayag din ng Pangulong Aquino na nais niyang unahin ang pensyon ng mga retiradong pulis at sundalong hindi pa napopondohan.
“So at the end… Iyong… I am more inclined for other incentives rather than cash. That will be more ? For instance, as an example, iyong 50,000 plus housing natin for the AFP and the PNP. If we can expand that to everybody else di ba,” ani Pangulong Aquino.