Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Delivery truck swak sa bangin 2 todas, 2 sugatan

KALIBO, Aklan – Dalawang katao ang patay habang dalawa rin ang sugatan makaraan mahulog sa bangin ang isang delivery truck sa Brgy. Libertad, Nabas, Aklan kamakalawa.

Kabilang sa mga namatay ang driver ng truck na si Peter Paul Palma, 46, residente ng La Paz, Iloilo; at ang pahinanteng si Arnel Epilepcia, 25, ng Brgy. Buenavista, Guimaras.

Habang ang mga sugatan ay sina Rey-ann Terible, 29, at Elmer Prodente, 20, mga pahinante at kapwa residente ng Baldoza, La Paz, Iloilo.

Ayon kay SPO4 Crispin Calzado ng Nabas-Philippine National Police station, habang binabaybay ng delivery truck ang palusong at kurbadang bahagi ng national highway ng Brgy. Libertad, Nabas, nang biglang nawalan ng preno ang sasakyan dahilan upang mahulog sa bangin.

Naipit sa loob ng truck ang katawan ng driver at isang pahinante na nakaupo sa harapang bahagi na naging sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.  Habang ang mga sugatan ay nilalapatan ng lunas sa Malay Baptist Hospital.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …