ni Ed de Leon
PAPATULAN na raw sana ng isang poging male star ang mga motibong ipinakikita sa kanya ng isang TV star, kaso nakarinig siya ng hindi magandang kuwento.
May kuwento raw ang isang dating bf ng TV star kung paanong halos pilitin siya niyon na makipag-sex kahit na ayaw niya.
Natakot ang poging male star at bigla na lang ayaw nang makipagkita sa TV star, kahit na kung ano-anong mga regalo na ang ibinigay niyon sa kanya.