Friday , November 22 2024

Utak ng criminal syndicate sa Antipolo, binalaan

Binalaan ng Lakap Ba-yan (Bantay ng Bayan Laban sa Katiwalian sa Pamahalaan) na binubuo ng mga aktibo at retiradong opisyal ng militar at pulisya ang kanilang mga kabaro na tumigil na sa ilegal na gawain tulad ng pagpatay kay Chief Inspector Elmer Santiago na lumikha ng “drug diagram” na nagsangkot sa 33 opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Lakap Ba-yan Chairman at dating Col. Jan Allan Marcelino, nakompirma nilang mayroon din drug diagram ang isang “Major Mansanas” na sumasaklaw sa buong Rizal at Marikina at nasa pamumuno ng isang retiradong heneral.

Nagtatago ngayon si “Major Mansanas” matapos masibak sa PNP sanhi ng sapin-saping mga ilegal na gawain noong nasa tungkulin pa siya tulad nang taniman ng ilegal na droga ang dalawa katao sa Caloocan City pero inabsuwelto ng Supreme Court ang mga tinangka niyang kikilan.

May kaso rin grave coercion sa Antipolo City si “Major Mansanas” at inireklamo rin siya maging ni da-ting First Gentleman Mike Arroyo sa kanyang criminal activities tulad ng land grabbing, drug trafficking, prostitusyon at pagmamantine ng mga hitmen na pinatira niya sa Brgy. Mayamot, Antipolo at Brgy. Cupang, Marikina para likidahin ang kontra sa kanilang ilegal na aktibidades.

“Alam na namin kung saan nagtatago si Major Mansanas at hinahanap na rin siya ng mga tauhan ng retiradong heneral kaya dapat na siyang sumuko at aminin  kung sino ang utak ng kanilang sindikatong kri-minal,” ayon kay Marcelino.

Nabatid na may kinalaman din si Major Mansanas sa pagpaslang sa mga pangulo ng homeowners associations sa Antipolo na tutol sa kanyang aktibidades tulad ng pagtitingi ng shabu sa mga stallholders sa Cogeo. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *