NAKATAKDANG magsagawa ng pagdinig ang Senado kaugnay ng kontrobersyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nilagdaan ng Filipinas at ng Estados Unidos.
Inihayag ito ni Senate defense committee chairman Sen. Antonio Trillanes IV kasunod ng panawagan ni Senate President Franklin Drilon na dapat magkaroon ng pagdinig ang kinauukulang lupon.
Ngunit ayon kay Trillanes, magiging executive session ang pagdinig dahil kailangan mabigyan ng proteksyon ang mga detal-yeng maaaring may epekto sa seguridad ng bansa. Habang nilinaw ng senador na hindi itinatago sa taong bayan ang nilalaman ng kasunduan katunayan, bukas itong tinalakay sa Senado nang magsagawa ng briefing ang executive department.
(NIÑO ACLAN)