Monday , December 23 2024

Red Cross member lumutang sa ilog

ISANG bangkay ang natagpuang lumulutang sa Pasig River, na  pinaniniwalaang tauhan ng Philippine Red Cross, sa Port Area, Maynila, iniulat kahapon.

Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section,  kinilala sa pamamagitan ng nakitang ID ang biktimang si Joel Taño, nasa edad 40-45 anyos.

Sa report, nakita sa bulsa ng biktima ang isang ID ng Red Cross, nakitang lumulutang dakong 4:00 p.m. sa ilalim ng Delpan Bridge.

Nakita ng barangay tanod na si Norberto Silvestre ang lumulutang na bangkay at sa tulong  ng isang basurero kanilang iniahon ang biktima.

Ang bangkay ni Taño na maraming tattoo ay pansamantalang inilagak sa Saint  Rich Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

(leonard basilio, Camille I. Bolos, Nikki-Ann Q. Cabalquinto, Antonio C. Maaghop jr., Bhenhor M. Tecson, Lara Liza M. Singson)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *