Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn Bernardo, papasok sa PBB All In?

ni  Nonie V. Nicasio

MARAMING fans ng teenstar na si Kathryn Bernardo ang sobrang na-excite nang may lumabas na balitang posible siyang pumasok sa latest edition ng Pinoy Big Brother ng ABS CBN.

Fan na fan pala si Kathryn ng PBB kaya nang usisain ng mga kapatid sa panulat, nasabi ng Kapamilya star na kung puwede ay gusto niyang maranasan talagang maging housemate sa Bahay ni Kuya.

“Gusto namin kung papayagan, kasi nga may movie ngayon. Siguro ano lang, mga four days maximum, hindi forever. Gusto ko lang talaga, kasi ever since gusto kong pumasok sa Big Brother house,” esplika ni Kathryn.

Idinagdag pa ng youngstar na nanood daw siya ng initial telecast ng PBB All Inlast Sunday at nagulat siya nang makita roon ang kapwa niya Kapamilya aktres na si Jane Oineza bilang isa sa 18 housemates.

Hinggil naman sa next project nila ni Daniel Padilla, pinamagatan itong She’s Dating The Gangster. Dito ay gaganap si Daniel bilang bad boy na mai-in-love kay Kathryn. Kuwento ito ng high school student na si Athena (Kathryn) na napilitang magpanggap na girlfriend ni Kenji (Daniel) para pagselosin ang dati niyang karelasyon.

Aminado si Kathryn na mas naging excited siya sa bago nilang project ni Daniel nang nabasa niya ang libro mula sa Summit Media na pinagbasehan ng kanilang pelikula.

“Maganda iyong story, parang mas nag-grow kami rito. Hindi lang siya basta romantic comedy. More on seryosong love story talaga.Iyong sa libro, hindi namin inalis iyong story pero dadagdagan namin para mas mapaganda,” saad pa niya.

Ito ay pamamahalaan ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Bonifacio, Isang Sarsuwela, wagi  sa KBP Golden  Dove Awards!

CONGRATULATION kay Direk Vince Tañada at sa lahat ng bumubuo ng Philippine Stagers Foundation sa pagkakapanalo ng kanilang stage play naBonifacio, Isang Sarsuwela sa nakaraang KBP Golden Dove Awards.

Nasungkit ng kanilang play na base sa talambuhay ni Gat Bonifacio ang award na Best Culture and Arts Program. Katatapos lang ng regular run nito last March 2014 na umabot ng 449 fully packed shows sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ayon nga sa top honcho ng PSF na si Direk Vince, higit kalahating milyong audience ang nakasaksi sa Bonifacio, Isang Sarsuwela, na karamihan ay mga kabataang mag-aaral at mga guro.

Sa aming panayam kay Direk Vince, nilarawan niya ang karakter dito ni Gat Andres. “Si Bonifacio ay hindi lamang matapang na manghihimagsik, siya’y tao rin na nasasaktan.

“Sa dulang ito, nakita ang labis na pagmamahal niya hindi lamang sa bayan kundi pati na rin sa pamilya, sa kaibigan, at pati na rin sa kaaway. Malaki ang puso ni Bonifacio at punong-puno ito ng pagmamahal.”

Bukod kay Direk Vince, gumanap sa mahahalagang papel dito sina Cindy Liper  (Gregoria de Jesus), Jordan Ladra at Kevin Posadas (Emilio Aguinaldo), Monique Azerreda at Adelle Ibarrientos-Lim (Hilaria Aguinaldo), Patrick Adrian Libao (Emilio Jacinto), at Chin Ortega (Macario Sakay). Samantalang sina Emy Tañada ang namahala sa costume design, Art Gabrentina sa lighting design, at ang set design naman ay mula kay Jeff Ambrosio.

Ang next play ng PSF ay ang Filipinas 1941 na dahil sa petisyon ng sandamakmak na fans ni Atty. Vince, naudlot ang kanyang pagbabakasyon sa pag-arte sa teatro at napilitan siyang maging bahagi ng naturang play.

Abangan ang mga detalye ng play na ito sa mga susunod naming kolum.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …