Tuesday , December 24 2024

‘Kanta’ ni Napoles sintonado?

SINTUNADO nga kaya ang mga “ikinanta” ng damuhong si Janet Napoles kay Justice Sec. Leila de Lima kaugnay ng mga scam na kanyang kinasangkutan?

Ayon kay De Lima ay tumutugma ito sa pahayag ng whistleblowers at may ebidensyang magpapatunay sa kanyang testimonya, pero wala namang maipakita kaya naiinip na ang publiko.

Maging ang pagpasok ni dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa eksena para sabihing siya ang unang nakatanggap ng “tell-all” affidavit ni Napoles ay hindi na rin kinagat ng madla.

Sa tingin ng marami ay mukhang tama nga raw si Sen. Miriam Defensor-Santiago na pampagulo lang daw sa isyu ang mga pahayag ni Lacson dahil kakampi ito ni Sen. Juan Ponce- Enrile, na isa sa mga kinasuhan ng plunder kaugnay ng P10-bilyon pork barrel scam.

Karapatan ng mga mamamayan na malaman ang mga pinagsasabi ni Napoles, mga mare at pare ko, at kung sinu-sino sa mga mambabatas at opisyal ng gobyerno ang sadyang sabit at nakasabwat niya. Pero kung sintunado nga ang pagkanta niya ay wala rin itong pakinabang.

Manmanan!

***

NABUNYAG na ginago rin umano ni Napoles ang gobyerno sa isang P407-milyon scam sa Department of Transportation and Communications (DOTC) noong 2002.

Mantakin ninyong ayon kay Levito Baligod, abogado ng pork barrel scam whistleblowers, kinilala raw ng kanyang mga kliyente sina Rene Maglanque at Domingo Reyes Jr. bilang “main conduits” o koneksyon ni Napoles sa mga naging transaksyon niya sa DOTC.

Sina Maglanque at Reyes ay magkahiwalay umanong pumirma sa mga purchase order na nagtatalaga sa Jo Chris Trading bilang sole supplier ng mga computer at kagamitang pang-mobile communication na ipamamahagi sa mga pulitiko mula 2002 hanggang 2004.

Ang naturang proyekto ni Napoles sa DOTC ay inendorso umano ng siyam na dati at kasalukuyang mambabatas, kabilang na ang anak ni dating Pres. Gloria Arroyo.

Ang masaklap, ayon sa mga whistleblower ay nauwi ito sa “ghost deliveries” dahil gawa-gawa lang daw ni Napoles ang listahan ng mga beneficiary at pineke nito ang delivery receipts.

Para sa kaalaman ng lahat, ang Jo Chris Trading ay pag-aari ni Napoles at pinatatakbo ng kanyang panganay na anak na babae na nagngangalang Jo Chris.

Sina Maglanque at Reyes ay kapwa DOTC undersecretary sa panahong iyon. Ganu’n pa man, pumirma raw ang dalawang ito sa mga dokumento para sa purchase orders bilang undersecretaries at officers in charge ng staff services. Maging ang yumaong Leandro Mendoza na nakaupo noon bilang DOTC secretary ay nakapirma rin daw sa purchase orders.

Sabit din si Napoles sa maanomalyang kontrata sa pagbebenta sa militar ng “substandard Kevlar helmets” na nagkakahalaga ng P3.8 milyon; sa P728-milyon fertilizer scam na minaniobra umano ni dating Agriculture Undersecretary Joc-Joc Bolante; sa P900-milyon Malampaya fund scam; at nitong huli ay ang P10-bilyon pork scam.

Sa dami ng pangloloko ni Napoles sa gobyerno ay kalokohan na kung ikukonsidera ito bilang “state witness,” mga mare at pare ko, kahit ibunyag niya ang lahat ng kanyang nalalaman.

Tandaan!

Ruther Batuigas

 

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *