ni Alex Brosas
MUKHANG ‘di lang sina Danica at Oyo Boy Sotto ang ayaw kay Pauleen Luna for Vic Sotto.
Apparently, maging ang isa pang anak ni Vic ay hindi rin type si Pauleen. Nabuking lang ito nang magsabi ang madir na anak ni Vic na napilitan lang siyang mag-pose kasama si Pauleen at Vic sa party na in-organize ng una.
Sinabi ng ex-partner ni Vic na napilitan lang ang kanyang daughter na magpa-picture kasama sina Pauleen at Vic. Ayun, naging malaking issue na ‘yon sa Instagram account ng ex ng comedian. Ang daming nam-bash sa kanya.
Mayroon ngang isang Instagram follower na ibinuking na nagselos ang ex-partner ni Vic kay Ryzza Mae Dizon dahil ang haba-haba raw ng speech nito tungkol sa comedian noong 60th birthday nito?
True kaya ito?