Friday , November 22 2024

Ina pinugutan ng anak na ex-OFW

050214_FRONT

ILOILO CITY – Patay ang isang ginang makaraan pugutan ng ulo ng kanyang anak na lalaki sa Brgy. Bonbon, Lambunao, Iloilo kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Erlinda Liderato, 65, habang agad naaresto ang suspek na si Alendre, 35-anyos, kapwa ng nasabing lugar.

Ayon kay Punong Brgy. Rolando Araceli, may dinaranas na nervous breakdown ang suspek kaya’t nagawang pugutan ng ulo ang kanyang sariling ina.

Natagpuan ang bangkay ng ina sa labas ng kanilang bahay na ang pugot na ulo ay nakapatong sa katawan.

Sa imbestigasyon, tinaga ng suspek ang kanyang ina sa balikat ngunit nakalabas pa ng bahay ang biktima para humingi ng tulong gayonman ay naabutan at doon na pinugutan ng ulo.

Nang makita ng kapatid na babae ng suspek na may hawak na patalim at may dugo sa shorts ang salarin ay humingi siya ng tulong sa barangay officials.

Sa pagresponde ng mga tanod ay natagpuan ang pugot na biktima.

Ayon sa punong barangay, bago nagka-nervous breakdown, mabait at masunuring anak ang suspek.

Nagtrabaho pa aniya sa Saudi Arabia ang suspek at ipinagawa ang kanilang bahay.

Gayonman, pinauwi ng kanyang employer ang suspek nang makitaan ng mga sintomas ng clinical depression.

Napag-alaman na gumamit ang mga tanod ng tear gas upang masakote ang suspek at iginapos.

Pansamantalang ikinulong ang suspek sa kanilang kubo habang ipinoproseso ang pagdadala sa kanya sa mental hospital.

ni BETH JULIAN

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *