PUMALO sa 36.4 degrees Celsius ang naitalang init ng panahon kahapon sa Metro Manila.
Ayon sa Pagasa, naitala ito dakong 3 p.m. sa Science Garden, Quezon City.
Ito na ang pinakamainit na naitala ngayon taon sa rehiyon.
Ngunit kung tutu-usin, mas mainit pa anila rito ang naramdaman ng mga tao dahil sa singaw ng mga kongkretong lansangan, gusali at iba pang estruktura, bukod pa sa usok na inilalabas ng mga sasakyan.
Kamakailan, nakapagtala ng 39 degrees Celsius sa Tuguegarao City na pinakamainit na lugar sa bansa.
(LANI CUNANAN)