Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bugoy, tumayong magulang sa pitong kapatid

ni  Pilar Mateo

WALONG taong gulang na batang tumatayong magulang sa kanyang pitong kapatid ang karakter na bibigyang buhay ng internationally acclaimed child actor na si Bugoy Cariño sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN ngayong Sabado (Mayo 3).

Mula nang inabandona ng kanilang nanay at tatay, inako na ni Jose (Bugoy) ang responsibildad na pangangalaga at pagtataguyod sa kanilang pamilya. Dahil sa walang ibang mag-aalaga, umabot sa punto na isinasama ni Jose sa pagpasok sa eskuwelahan ang kanyang isang buwang taong gulang na kapatid. At sa tuwing umiiyak ang sanggol, tutungo sila sa isang kwarto sa paaralan upang mamalimos sa mga guro.

Paano kinakaya ng isang bata na magpakamagulang sa kanyang mga kapatid na kapwa niya musmos? Ano ang gagawin ni Jose sa sandaling magpakita muli ang kanilang ina matapos ang ilang taong pagkawala?

Makakasama ni Bugoy sa upcoming heavy drama episode ng MMK sina Izzy Canillo, JB Agustin, CX Navarro, Desiree del Valle, Ian de Leon, Perla Bautista, at Beverly Salviejo. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Nuel Naval, panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Richard Nepomuceno.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda dela Cerna at executive producers na sina Lindsay Anne Dizon at Fe Catherine San Pablo.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya,  MMK, sa Sabado ng gabi pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …