Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinik-ap nga ba ni Tom si Carla dahil sa kalasingan?

ni  Rommel Placente

UNANG nagtambal sa defunct drama series na My Husband’s Lover sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Ngayon ay muling mapapanood ang tambalan ng dalawa sa isang pelikula naman via So It’s You, mula sa Regal Entertainment at sa direksiyon ni Jun Lana.

“Ako rito si Goryo. Isa akong sapatero na may isang anak, si Noy na isang deaf mute. Asawa ko si Bangs (Garcia). Iniwan niya ako, sumama siya sa ibang lalaki,”kuwento ni Tom tungkol sa kanyang role sa So It’s You.

Dagdag niya, ”Hanggang sa nagkakilala kami ni Lira (Carla), na isang anak-mayaman. Nagkalapit kami, nahulog ‘yung loob namin sa isa’t isa.”

Ayon pa kay Tom, malaki ang kaibahan ng role niya sa So It’s You kompara sa role niya sa My Husband’s Lover bilang si Vincent na isang married gay na nagkaroon ng relasyon sa isang kapwa niya bading na ginampanan ni Dennis Trillo.

“Ang laki ng contrast ni Goryo kay Vincent. Si Vincent kasi ang dami niyang hang-ups sa buhay, unlike Goryo, who’s a happy-go-lucky guy.

“Interesting din kung paano niya tina-tackle ‘yung problems niya especially when he experiences things na hindi pa niya nae-experience before or parang nabibigatan siya.”

Close na sina Tom at Carla bago pa man nila ginawa ang So It’s You dahil nga nagkatrabaho na sila sa MHL. May lumabas na balita na noong mag-break sina Carla at Geoff Eigenmann ay naglasing sa isang bar si Carla. Tinawagan nito umano si Tom para magpapik-ap dito. Hindi na raw kasi kayang umuwing mag-isa ni Carla dahil sa sobrang kalasingan.

Pero ayon kay Tom, walang katotohanan ang isyung ito sa kanyang leading lady.

“Hindi ko nakikita sa pagkatao niya ‘yung pag-ganoon,” pagtatanggol ni Tom kay Carla.

“Kung lumabas man siya, kasama naman niya ang friends niya. I’m sure they will really take care of her naman.

“Wala naman akong nakuhang tawag or anything. Pero kung mayroon man, kahit nasaan pa man siya, pupuntahan ko siya. Kasi ganoon naman ‘pag magkaibigan. Pero wala.”

Bukod kina Tom, Carla at Bangs kasama rin sa pelikula sina Kevin Santos, JC de Vera, Joey Marquez, Arlene Mulach, at Paulo Ballesteros. Showing na ito sa May 7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …