Friday , November 22 2024

Palasyo iwas-pusoy sa gastos kay Obama

IWAS-PUSOY ang Palasyo sa isyu ng pagsasapubliko ng halagang ginasta sa dalawang araw na pagbisita ni US President Barack Obama sa Filipinas.

“Wala pang, ano e, wala pang amount na pino-provide ang OP. Once we get the amount, we will inform you,” pahayag kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Aniya, wala siyang impormasyon kung magkano ang inilaang budget sa dalawang araw na state visit ni Obama, ngunit ang kalakaran ay sagot ng host government ang accommodation at mga sasakyang gagamitin ng head of state at sampung katao na miyembro ng kanyang delegasyon.

“ We have no… I have no information on the allocated budget but if you… This is a visit, a state visit, and ordinarily—just to inform you—the state visit, government… The host government pays only for the accommodation and, as a general rule, accommodation and travel or the vehicles of the—not the entire swath of people that came with President Obama, but only one plus 10,” sabi pa ni Lacierda.

Ipinahiwatig pa niya na nakatipid pa nga ang administrasyong Aquino dahil dala ni Obama ang mga sasakyan na kanyang ginamit, tulad ng presidential airplane Air Force One; presidential limousine The Beast; at presidential chopper Marine One.

Batay sa ulat, nagkakahalaga ng P300,000 kada araw ang presidential suite sa Hotel Sofitel na tinuluyan ni Obama.

(ROSE NOVENARIO)

RECORD NG GASTOS  ‘DI ITINATAGO — DBM

NILINAW ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi nila itinatago ang listahan ng ginastos sa state visit ni US President Barack Obama.

Ayon kay Budget Sec. Florencio “Butch” Abad, hindi pa nila nakokompleto ang data na pagbabasehan ng report.

Para kay Abad, nararapat lamang ang lahat ng inilaang halaga para sa pagbisita ng lider ng pinakamakapangyarihang bansa at kaalyado pa ng Filipinas.

Sa ilang inisyal na record, lumalabas na daan-daang libo ang naging gasto sa hotel at pagkain pa lang ni Obama.

Bagay na mariing inaalmahan ng mga kritiko.

Sa pananaw ni Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares, lubhang malaki ang inilaang pondo ng ating gobyerno sa naturang pagdalaw na maaari sanang ilaan sa iba pang mahahalagang proyekto ng pamahalaan.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *