Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-asawa patay, anak kritikal sa ‘magnanakaw’

KAPWA patay ang mag-asawa habang kritikal sa pagamutan ang 12-anyos nilang anak makaraang pagtatagain ng pinagbintangan nilang magnanakaw ng manok sa Tanay, Rizal kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng  Rizal PNP ang mag-asawang napatay na sina Babylyn Valencia, 42, at Fedelino Valencia, 50, habang kritikal ang anak nilang si Jayme Valencia, pawang ng Sitio Rawang, Brgy. Tandang Kutyo sa bayan ng Tanay.

Ang suspek na si Henry Barcelona, Jr., 21, kapitbahay ng mga biktima, ay agad naaresto sa follow-up operation ng mga pulis sa pangunguna ni Chief Insp. Reynaldo Francisco.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Mark Anthony Lopez, dakong 3 a.m. nang pasukin ng suspek sa bahay ang natutulog na mga biktima at pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Bagama’t kritikal ang kalagayan, naibulong ni Jayme sa mga pulis na si Barcelona ang umatake sa kanila.

Nabatid sa imbestigasyon, nagtanim ng galit ang suspek nang pagbintangan ng pamilya na siya ang  nagnakaw  ng mga alagang manok ng mga biktima.

Nakapiit ang suspek sa detention cell ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong double murder at frustrated murder. (ED MORENO/

MIKKO BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …