ni Ronnie Carrasco III
NASA moving on phase na si Carla Estrada after she and Geoff Eigenmann—her boyfriend of four years—mutually agreed to their breakup.‘Yun ang dahilan kung bakit hangga’t maaari ay ayaw niyang pag-usapan si Geoff while making her promo rounds ng kanyang pelikula. Nais daw niyang bigyang-respeto ang dating nobyo lest she be accused of using Geoff to hype her movie.
Minsan nang nilinaw ng aktres that it’s about principles and values in life ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Neither was the presence of a third party on Geoff’s side resulted in the split-up.
Pero ano itong nasagap namin na isa raw sa mga dahilan ng pananabang ni Carla ay ang ‘libre mo ‘ko’ attitude?
Once at a dinner with her family, bigla na lang daw sumulpot out of nowhere si Geoff with a pamangkin in tow. Dahil naroon na rin lang ang aktor, siyempre’y aanyayahan na rin siya at ang kanyang kasamang kamag-anak to sit down at the dinner table.
Came the bayaran portion. Reportedly, it was Carla who forked over several peso bills to foot the tab samantalang tahimik lang daw si Geoff who hardly even gestured para kunin mula sa bulsa ng kanyang pantalon ang wallet niya.
Personally, kung ito man ay isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay, not only was the cause too petty. Mababaw lang din pala ang inakala ng marami’y isang malalim na relasyon that nearly brought them to the altar.
Money being an issue in breakups can be so cheap, and in Geoff and Carla’s na kapwa naman kumikita ng malaki sa showbiz, this bit of tsika is hard to believe.
Tony Calvento, alam nang mahuhuli si Cedric
AS already in the news, dakong 11:30 a.m noong Sabado nang malambat ng pinagsanib na puwersa ng NBI at PNP sina Cedric Lee at Zimmer Raz sa Oras, Eastern Samar. Kinabukasan, Linggo, nang ibiyahe ang dalawa who arrived in Manila bandang 7:30 a.m..
Nakaiintriga ang mala-propesiyang post ni Tony Calvento sa kanyangFacebook page gabi ng Biyernes. In effect, he posted that before sunset the following day (Sabado) ay may madarakip among the suspects na nahaharap sa serious illegal detention kay Vhong Navarro in the January 22 mauling incident.
Initially, Mr. Calvento chickened out sa nai-commit na niyang live phone patch sa Startalk ng nakaraang Sunday, hindi raw kasi siya pinayagan ni DOJ Secretary Leila de Lima. Ngunit pumuwede na ang batikang print and broadcast journalist who Startalk host Butch Francisco l auded for being “one step ahead” sa mga kaganapan kaugnay ng kaso.
Ani Sir Tony, ang lawak ng kanyang koneksiyon ay laking tulong sa kanyang pinaninindigang suporta kay Vhong in the latter’s quest for justice.