BINALEWALA lamang ng Malacañang ang plano ng Bayan Muna na idulog sa Korte Suprema ang legalidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Magugunitang sinabi ni Ba-yan Muna Rep. Neri Colmenares, labag sa Saligang Batas ang 10 taon kasunduang pinasok ng Fi-lipinas at US dahil hindi ito nakilatis ng Senado at hindi nakonsulta ang mamamayan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi na sila nagulat sa posis-yon ng Bayan Muna na lagi anilang tutol sa mga hakbangin ng gobyerno. Ayon kay Lacierda, nakabatay sa Konstitusyon ang EDCA at bilang patunay, makikita sa nilalaman ng kasunduan ang mga probisyon ng Saligang Batas. (ROSE NOVENARIO)