Tuesday , December 24 2024

Doble-kayod para sa musikang obrero

MISTULANG choir ang mga labor group na bawat isa ay umaawit para sa puwersang manggagawa sa magkakaibang estilo. Walang dudang gusto nilang lahat ang pinakamagandang rendition ng mga benepisyo para sa mga manggagawa. Bahala na kung saan manggagaling ang pondo.

Pero ang nakaaaliw ay ang hindi pagkakasabay-sabay ng mga tinig na naririnig natin. Sintonado at walang direksiyon ang kanilang tono kung paano nila matatamo ang  mga benepis-yong karapat-dapat sa mga nagbabanat ng buto.

Ang pinakamalapit sa puso ng mga labor leader ay ang heavy-rock na taas-suweldo na garantisadong malinis, walang emosyon, hindi komplikado at napaka-visible. Ang taon-taong paggigiit sa dagdag-sahod ang dahilan ng pinakamalakas nilang hiyawan at pinakamalupit nilang head-banging.

Pero walang hiyawan at head-banging nga-yong taon.

Bagamat tinapakan na ni Pangulong Aquino ang anumang dagdag-suweldo ngayong Labor Day, partikular ang P125 across-the-board increase na iginigiit ng Kilusang Mayo Uno, umaasa naman ang Trade Union Congress of the Philippines na magkakaloob ang gobyerno ng non-wage benefits sa mga obrero, gaya ng mas mataas na tax exemptions, paglusaw sa contractualization, pagkakaroon ng mga pa-ngunahing labor standard, mas murang singil sa koryente at abot-kayang pabahay.

Habang sinusulat ito, ang nag-iisang benepisyong maaasahan ng uring manggagawa ay ang libreng sakay sa MRT ngayong Mayo 1.

***

For the nth time, iha-hum ng Firing Line ang himig ng legislated wage increases na mas makasasama kaysa makabubuti sa sektor ng paggawa. Mangangahulugan ito ng mas mala-king gastusin bukod pa sa mai-etsapuera na tayo sa masigla na ngayong Asian markets na ang mga ekonomiya ay dapat na umaalagwa nang todo-todo.

Kahit na ang mga foreign investment, mula sa ating matatagal nang kaibigan, ay kakapiranggot at mistulang limos lang. Bakit nga naman nila dadalhin ang kanilang negosyo sa Pilipinas na mahigit doble ang gagastusin nila sa labor para sa kaparehong kikitain nila kung magnenegosyo na lang sila sa Bangladesh o sa ibang bansa na hindi idinidikta ng batas ang dagdag-suweldo? Siyempre pa, gusto nilang mababa lang ang gastusin sa labor habang kumikita sila.

Ang mga ito ang eksaktong tempo at tunog ng negosyo. Para makipagsabayan sa merkado, dapat lang na gawing competitive ng mga negos-yante ang kanilang produkto, ‘yung hindi masyadong magastos ang produksiyon.

***

Ang tunay na kailangan natin sa bansang ito ay  pagkakaroon  ng  mas maraming trabaho upang mapasigla ang kakayahan sa paggastos ng bawat pamilya. Halimbawa, ang pamilyang may limang miyembro pero iisa lang ang kumikita ng sabihin na nating nasa P12,000 kada buwan, ay mahihirapang makaraos sa araw-araw. Kahit na bigyan ang nag-iisang kumikita sa pamilya ng P1,000 umento para maging P13,000 kada buwan na ang kita nito, talagang kapos pa rin.

Ngunit kung mas maraming trabaho sa bansa at ang nasabing pamilya na may limang miyembro ay madadagdagan ng dalawa pa na kumikita ng kahit P10,000 bawat isa, ang buwanang kita ng buong pamilya ay agad na papalo sa P32,000. Bagamat can’t afford pa rin sila sa luho ay tiyak na magbabago ang lifestyle ng pamilya, at posibleng makapagsine pa tuwing Linggo.

Sinabi kamakailan ni Labor Secretary Rosa-linda Baldoz na pinaigting ng gobyerno ang kampanya nito sa paglikha ng mas maraming trabaho sa pamamagitan ng mga job fair.

Wala naman masama rito. Pero naniniwala ang kolum na ito na ang mga iaalok na trabaho ay dapat nakatuon sa lokal na mga manggagawa, na umabot na ng 38.5 milyon noong nakaraang taon, upang maiangat ang pamumuhay ng karaniwang obrero.

Ang anumang bagong trabaho para sa mga jobless dito ay tiyak na magiging bonus para sa mga pamilyang Pinoy.

Ang target na ito, na puwedeng jazzy para sa marami ngunit tipong new wave sa iilan, ang dapat na buong sigla at buong pagkakaisang pagsikapan ng mga unyon ng manggagawa.

Okay, tirahin na natin ‘tong chorus. Altoge-ther now… A-1 and a-2 and a…

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *