Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derrick, nai-stress sa Full Moon?

ni Vir. Gonzales

BAHAGYANG nakaramdam ng stress si Derrick Monasterio tungkol sa nalalapit na showing ng movie nila ni Barbie Forteza, ang Full Moon. Sobra kasi ang expectation sa movie at tipong si Derrick ang magdadala.

No wonder, todo acting si Derrick noong abutan namin sa shooting nila directed byDante Boy Pangilinan.

Maganda naman ang movie, kaya’t malaking chance na dumugin ng mga tagahanga. Horror action comedy ang movie at hahatulan talaga ang acting ni Derrick sa naturang movie.

Tampok din sina Selina Sevilla, Ricardo Cepeda, Jerick Vasquez, Eric Frutoso, atMike Magat na binigyan ng break sa naturang movie bilang head ng mga aswang sa istorya.

Ryzza, tuwang-tuwa sa mga manikang anak ni Rita

HUMANGA ang child star na si Ryzza Mae Dizon sa mga manikang sina Mimay at Popoy ng aktres na si Rita Avila. Humanga si Ryzza sa buhok ng dalawang manika dahil pareho raw fashionista.

Alam naming si Jennifer Sevilla ang sadyang nag-ayos ng buhok ng dalawang pomosong lovely dolls. Nag-guest ang dalawang manika kasama si Rita dahil inilarawan ni Ryzza ang istorya tungkol kay Ana Taba at Erik Toothpick na bida sa librong nilikha ng aktres.

Tuwang-tuwa si Rita kay Ryzza dahil napakatalinong bata raw. Nagustuhan ni Ryzza ang suot na damit ng actress na sinabing binagayan lang niya, dahil bata ang mag-iinterbyu sa kanya.

Ogie, bihira nang mapanood

MAGBUHAT noong lumipat sa TV5 si Ogie Alcasid, parang bihira na siyang mapanood! Akala ng marami, may mga project siyang gagawin kaya lumipat.

Sayang, naagaw tuloy ni Bentong ang korona niya sa pagpapatawa sa Bubble Gang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …