Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, ‘di totoong magpapa-convert sa INC

ni  Roldan Castro

ITINANGGI ni Daniel Padilla sa Aquino & Abunda Tonight na magpapa-convert na siya sa Iglesia ni Cristo (INC) dahil ito ang religion ng kanyang ka-love team at nali-link sa kanya na siKathryn Bernardo.

Bata pa raw siya at marami pa siyang dapat malaman pagdating sa religion.

Nag-react din siya sa mga pumipintas sa boses niya.  Bakit daw niya papansinin ito samantalang marami siyang napapasaya.

Oo nga naman!

Enrique is not special — Bangs

INURIRAT si Bangs Garcia sa presscon ng So It’s You kung ano ang real score sa kanila ni Enrique Gil.

Tulad ni Quen, idinenay din ito ni Bangs.

“He’s not special. We’re just friends,” sambit niya.

Nagkita lang daw sila sa Japan dahil may show s’ya at si Enrique naman ay nagbabakasyon.

“Tinanong ko siya kung gusto niyang rumaket. Ipinakilala ko siya sa producer ko, ayun nakaraket siya, ganoon lang ‘yun,” bulalas pa ni Bangs.

Matagal na raw silang walang communication at  nagkikita.

So, kumusta ang lovelife niya?

“I’m totally single and ready to mingle,” saad pa ng aktres.

Anyway, sa May 7 na ang showing ng So It’s You ng Regal Entertainment na pinagbibidahan ninaCarla Abellana, Tom Rodriguez, at JC De Vera. Asawa ni Tom ang role niya, nagloko  at may isang anak sila.

‘Yun na!

Alex, mapapabayaan ang 3 show dahil sa pagpasok  sa Bahay ni Kuya

MARAMI ang naaaliw sa pagpasok ni Alex Gonzaga sa Pinoy Big Brother All In. Taong-tao kasi si Alex sa bahay ni Kuya. Nandoong uminom sa pitsel instead na kumuha ng baso. Nandoon ‘yung umutot sa may sofa.

Tinatanong ngayon kung totoo bang 100 days si Alex sa PBB house at hindi na siya ba talaga maagiging host ng Uber sa PBB?

Paano na ang  taping ng Banana Split: Extra Scoop, at Banana Nite ni Alex? Paano na ang taping niya ng serye nila ni Arjo Atayde na Pure Love?

Ano ba talaga ang misyon ni Alex sa loob ng PBB house?

Angelica, proud sa kaseksihan ni Lloydie

VERY supportive si Angelica Panganiban sa kanyang boyfriend at star ng Home Sweetie Homena si John Lloyd Cruz. Proud siya na nawalan ng 18 pounds si Lloydie in six weeks.

Sey ng star ng Banana Split sa kanyang Instagram Account: ”I’m the proudest my love, good job. Welcome to the new you. Nakita ko since day one ang struggle mo. But eventually, naging life style mo na s’ya. Minahal kita noon, at mahal pa rin kita sa bagong ikaw.”

Isinama ni Lloydie si Angel sa kanyang event sa Boracay na rumampa si John Lloyd sa Superbods kasama si Anne Curtis.

Boompaness!!!

Pagiging loveteam of the year nina Janella at Jerome, kinukuwestiyon

MARAMI ang nagulat kung bakit love  team of the year sina Janella Salvador at Jerome Poncesa Guillermo Mendoza Award samantalang magkapatid ang role nila sa Be Careful With My Heart.

Ang ka-love team ni  Janella sa nasabing serye ay si Marlo Mortel.

Just asking…

Asawa ni Wowie, pumanaw na

NAKIKIRAMAY ang industriya kay Wowie De Guzman dahil sa maagang pagkamatay ng kanyang asawa na si Sheryl Ann Reyes.

Nagpakasal sina Wowie at Sheryl noong 2012 at maagang nabiyudo.

Kahit si Gladys Reyes ay mababasa ang pakikiramay sa Facebook.

“Wa, Jeffrey De Guzman be strong!!Your wife is gone too soon but you have your beautiful baby who needs you. We will pray for you & for your little angel!! Sheryl, rest peacefully my friend.”

Ilan sa mga nakiramay sa FB ay sina Bianca lapus, Liz Alindogan, Minie Aguilar, Marithez Samson, Tess Bomb, Migue Moreno atbp..

Isang buwan pa lang na nakapanganak ng baby girl ang asawa ni Wowie at naging irregular daw ang blood pressure nito.

Nagti-take Raw ito ng muscle pain dahil ilang araw nang masakit ang katawan pero sa huling paggamot niya, ilang sandali ay nangisay daw ito at tumirik na ang mga mata.

Nakaburol ang labi ni Sheryl Ann sa kanilang bahay sa Lubao, Pampanga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …