Tuesday , December 24 2024

Daang kabataan, nailigtas ng QCPD-DAID sa P4-M shabu

MULING nakakompiska ng P4 milyon halaga ng shabu ang Quezon City Police District  – District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID).

Good job Chief Insp. Roberto Razon, ang hepe ng anti-illegal drugs ng QCPD. Siyempre, ang magandang trabaho ay bunga ng magandang pamalakad ni Chief Supt. Richard Albano, QCPD District Director, sa pulisyang ipinagkatiwala sa kanya para sa kaayusan at katahimikan ng lungsod.

Congrats mga sir sampu ng mga tauhan ninyong nasa likod din ng  magandang trabaho.

Pero ganoon na lamang ba iyon, ang saluduhan sina Albano at Razon sampu ng kanilang mga tauhan sa pagkakakompiska ng droga sa isinagawang buy-bust operation kamakailan sa Proj. 3, Quezon City?

Ibig kong sabihin, kung susuriin ang trabaho ng DAID, masasabing maraming kabataan ang iniligtas ni Razon sa tulong ng kanyang mga tauhan, sa tiyak na kapahamakan.

Aba kung nakalusot ang shabu, walastik — malamang sa oras na ito, maraming ang mas lalong napariwara na kabataan. Alam naman natin ang masamang dulot ng droga.

Mabuti na lamang at hindi nagbabago ang QCPD hinggil sa kanilang kampanya laban sa illegal drugs lalo na si Razon.

Kudos sa inyo Gen. Albano, siyempre lalo na kayo diyan sa DAID na pinamumuan ni C/Insp. Razon.

Actually Inspector lang ang ranggo ni Razon  pero, ang mamang ito ay dapat noon pa naging isang Chief Inspector o Major dahil sa magagandang trabaho niya, Ganoon din si Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU).

Lamang may malaking ‘atraso’ ang dalawa kaya napako sila sa kanilang ranggo ngayon. Alam n’yo ba kung ano ang ‘atraso’ nila? Hindi kasi sila PMA grad. Pero kung PMA grad ang dalawa, aba’y Kernel na sina Razon at Marcelo ngayon o noon pa..

Kaya pong patunayan ito ng kani-kanilang tract records.

Saklaan sa Tondo,

Mla., talamak!

Hindi lang saklang patay ang talamak na ope-rasyon kundi mayroon pang puesto pijo rito.

Hindi lamang isa ang nagpapasakla sa lugar ng Tondo na nasasakupan ng Manila Police District Station 1 kundi dalawa ang kapitalista. Isa rito ay si alyas “Ombeng” ng Malabon. Ang area of operation ng kanyang saklang patay ay sa AOR ng Station 1 habang ang kanyang puesto pijo ay nasa Bangkusay area – 24/7 daw ang ope-rasyon ng saklaan.

Isa pang nagpapasakla ay sina alyas Boy, alyas Viceo at isa pang Laari. Hindi lang nasasakupan ng MPD station 1 ang “co-verage” ng saklang patay nila kundi maging ang AOR ng  Station 2 at 4.  Isa pa’y hindi lang saklang patay ang ‘negosyo’ kundi may puesto pijo rin ang tropa ni alyas Viceo. Pero ano itong info – totoo nga bang pasok din sa droga ang nabanggit na mga operator?

Attention PDEA pakisubaybayan dahil sina-sabing sa puesto pijo ay may nagaganap na pot session.

Mayor Erap Estrada, your attention please sir.

***

Para sa inyong sumbong, komento, suhesti-yon at panig, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *