Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bokya ang Pinas sa EDCA

SANGAYON ako sa sinabi ni dating Senador Joker Arroyo na ZERO o bokya ang pakinabang ng Pinas sa kalalagda pa lamang na ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT (EDCA) na halata namang ni-RUSH para ipasalubong sa pagdating ni US President Barack Obama. Kumbaga sa CHESS, halata ang kanilang MOVES. Obvious naman na sadyang itinayming ang kasunduan sa pagbisita ni Barack.

Ang tanong, sino ba talag ang makikinabang sa EDCA? Ang sabi ng Palasyo, pareho raw na makikinabang ang US at Pinas. Teka! Sa paanong paraan ba? Ekonomiya o depensa? Kung ekonomiya kasi ang pag-uusapan, well and good. Pero kung depensa lang, sa totoo lang mga kanayon, hindi naman tayo kailangan ng US kung giyera lang ang pag-uusapan. Ang kailangan ng US dito ay mapaigting at mapalakas ang kanyang presensiya dahil talaga namang lalong lumalaki ang CHINA. Isang banta na sa seguridad ng Asian region at ng buong mundo ang paglago ng Mainland. Aba ‘e tingnan ninyong mabuti ha. Daan-daang bilyon ang utang ng US sa mga Tsekwa. Kapag bumitaw ang China, bagsak ang ekonomiya ng US. Ngayon, paaanong ipagtatanggol ng US ang ‘Pinas sa bansang kanyang pinagkakautangan? E tayo ba? Ano ang pakinabang sa atin ng Amerika? NADA! Kung tutuusin tila pabigat pa tayo e.

My point is, pinaiikot lang tayo ng matatalinong kuwago sa mundo. Walong buwan daw pinag-usapan ang EDCA samantala halatang US lang halos ang nagtakda ng mga laman nito. Defense capabilities daw ng sandatahang lakas ang pag-iibayuhin ng kasunduan. Para raw maging AT PAR o kapareha ang galing ng Pinoy at US troops. Weh! ‘Di nga?

E si PNoy na nga ang nagsabi, ni wala tayo kahit isang FIGHTER JET! Nang dumating si Obama, may dalang V22 OSPREY choppers na pinagtuluan ng laway ng ating Air Force. Ang AFP kahit pang spray ng plantasyon ng abaca wala yatang mapalipad.

Kung ibibigay sa AFP ang mga kagamitang modern ng US military baka maniwala pa ako. Pero kung BOKYA tayo, e di tayo ang tanga.

Kung ako ang president isa lang ang hihilingin ko: Sige magbase kayo rito mga puti. Pero bigyan ninyo ng libreng VISA ang mga kababayan ko.

Pwede? Pwede!

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …