Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blackwater interesado kay Taulava

NAGPAHAYAG ang team owner ng baguhang koponang Blackwater Sports ang pagnanais nitong kunin si Asi Taulava para sa una nitong kampanya sa PBA sa susunod na season.

Ayon sa team owner ng Elite na si Dioceldo Sy, makakatulong si Taulava para maging malakas ang Blackwater dahil hindi pinayagan ng PBA na direktang iakyat ang ilang mga manlalaro nito mula sa PBA D League.

Dating naglaro si Taulava para sa Blu Detergent, isang koponang pag-aari  ni Sy  sa Philippine Basketball League noong 1998.

“He’s (Taulava) the best big man around. I think he can still give quality minutes against (June Mar) Fajardo or (Greg) Slaughter,”  wika ni Sy sa panayam ng www.spin.ph. “We believe he can be an asset and we can build our team around him. He’s a veteran and experienced already.”

Hanggang Agosto ng taong ito ang kontrata ni Taulava sa Air21.

“Well, we don’t want to go into a bidding war (with Air21) but I’d like to think that we’re ahead when it comes to relationship because we invite him to our house, and he invites us to his house,” dagdag ni Sy.

Bukod kay Taulava, nais din ng Blackwater na kunin ang mga retiradong PBA superstars na sina Marlou Aquino at Kenneth Duremdes.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …