Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Away pamilya, tatay patay

PINAGBABARIL hanggang mapatay ang 38-anyos truck driver ng pinsan ng kanyang misis bunsod ng hidwaan sa pamilya sa Tondo, Maynila kahapon.

Kinilala ni police officer Jonathan Bautista ang biktimang si Jose Gregorio Villa,  ng 357 Capulong St., hindi na umabot nang buhay sa Mary Johnston Hospital

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Reynaldo Quizon,  ng 357 Victor Lopez Compound.

Ayon sa misis ng biktima na si Anna Rose Villa, 35, nagsimula ang alitan nang magkasakitan sila ng kanyang pa-mangkin na si Melody, anak ng pinsan niyang si Quizon, nitong Abril 16.

Bilang pagkampi ni Quizon sa kanyang anak, pinukpok ng suspek ng walis-tingting sa ulo si Anna Rose.

Nang malaman ito ng biktima, kinompronta niya ang suspek at hinamon ng suntukan ngunit hindi siya pinatulan.

Dakong 7:30 a.m. kahapon habang nag-iigib ng tubig sa tapat ng kanilang bahay ang biktima, nilapitan siya ng suspek saka binaril ng dalawang beses habang nakatalikod.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang ginamit na baril.

– LEONARD BASILIO

(May kasamang ulat nina CAMILLE BOLOS, NIKKI-ANN CABALQUINTO, ANTONIO MAAGHOP JR., BHENHOR TECSON, at LARA LIZA SINGSON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …