ni Roldan Castro
NAKIKIRAMAY ang industriya kay Wowie De Guzman dahil sa maagang pagkamatay ng kanyang asawa na si Sheryl Ann Reyes.Nagpakasal sina Wowie at Sheryl noong 2012 at maagang nabiyudo.
Kahit si Gladys Reyes ay mababasa ang pakikiramay sa Facebook.
“Wa, Jeffrey De Guzman be strong!!Your wife is gone too soon but you have your beautiful baby who needs you. We will pray for you & for your little angel!! Sheryl, rest peacefully my friend.”
Ilan sa mga nakiramay sa FB ay sina Bianca lapus, Liz Alindogan, Minie Aguilar, Marithez Samson, Tess Bomb, Migue Moreno atbp..
Isang buwan pa lang na nakapanganak ng baby girl ang asawa ni Wowie at naging irregular daw ang blood pressure nito.
Nagti-take Raw ito ng muscle pain dahil ilang araw nang masakit ang katawan pero sa huling paggamot niya, ilang sandali ay nangisay daw ito at tumirik na ang mga mata.
Nakaburol ang labi ni Sheryl Ann sa kanilang bahay sa Lubao, Pampanga.