ni Ronnie Carrasco III
THIS story makes for a Pinoy telenovela.
Pangunahing bida rito ay isang mag-asawa: anak ng isang sikat na politiko ang babae, galing naman sa buena familia ang lalaki.
Balitang naghiwalay na ang couple. At ang itinuturong dahilan, nabisto raw ng lalaki na karelasyon umano ng kanyang misis ang isang local politician.
Ang pagkakatuklas ng lalaki sa illicit affair na ‘yon ay sa pamamagitan ng palitan ng text messages umano ng kanyang asawa’t kalaguyo nito. Through some sophisticated device or process, na-retrieve ng lalaki ang mga mensaheng ‘yon.
The problemof the separated couple, however, does not end there.
Hawak kasi ng babae ang milyon-milyong pisong nakulimbat umano ng kanyang isang malapit na kamag-anak, hence, tumatayo siyang custodian ng malaking halaga ng perang ‘yon.
‘Yun nga lang, para madisimula ang pagtataglay ng babae ng ‘ika nga’y loot, inilipat niya ito sa pangalan ng mister na nakipaghiwalay sa kanya.
Ang tanong: paano nang mababawi ng babae ang pera mula sa kanyang dating asawa? In case the wife resorts to legal means to get the money back, sa paanong paraan niya ipaliliwanag ang pagkakaroon ng limpak-limpak na salapi?
Sa kabilang banda, what does the wife of the local politician na ka-affair-an niya have to say about her philandering husband?
Aware rin ba ang malapit na kamag-anak ng separadang babae na may namamagitan sa local politician at sa kanyang kadugo?
Minsan nang nadiin sa kaso ang pamilya ng babae, na kinalaunan ay nalusutan din nila. But in the case of the separated couple, mukhang mahihirapan ang babae na mapasakanyang muli ang “naipundar” ng kanyang kamag-anak na nagmula sa hindi naman pinagpawisan ng pamilya nito.
Mahulaan n’yo kaya kung sino-sino ang mga tauhan sa kuwentong ito?