Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong Navarro patuloy na pinag-uusapan, pelikulang Da Possessed naka-P 100 milyon na sa takilya

ni  Peter Ledesma

Araw-araw ay may mga bagong balita kaugnay sa kasong isinampa ni Vhong Navarro laban kay Deniece Cornejo, Cedric Lee at sa kampo nito. Ang latest ay nahuli na nga ng NBI at pulisya sina Cedric Lee at Zimmer Raz sa pagtatago sa batas.  Habang pinag-uusapan si Vhong na vindicated sa kasong kinasasangkutan ay patuloy naman na pinipilahan sa takilya ang comedy mo-vie ng dancer-comedian para sa buong pamilya na “Da Possessed” kasama ang in-demand sexy actress ngayon na si Solenn Heussaff. Sa lakas ng pelikula nationwide, kumita na ng P100 milyon sa takilya. S’yempre masayang-masaya sina Vhong at Solenn at mga co-star kasama ng director nilang si Binibining Joyce Bernal sa Da Possessed at ang Star Cinema, dahil sa mainit na pagtanggap ng moviegoers sa latest offering ng number one movie outift sa bansa.  We heard na dahil blockbuster ito ay magkakarooon agad ng sequel ang Da Possessed.

Tunay ngang  nakabawi si Vhong sa mga pinagdaanang pagsubok na siya ang biktima. Mapapanood pa rin ang pelikula ng komedyante sa mahigit 130 sinehan sa buong bansa.

Isang pagkalakas-lakas na congratulations gyud!

IKAW LAMANG, CERTIFIED  NO. 1 TELESERYE SA PRIMETIME!

Base sa inilabas na data ng Kantar Media, ang Ikaw Lamang ang nangungunang teleserye ngayon sa Primetime Bida. Consistent sa number one postion ang Ikaw Lamang sa loob na ng isang linggo. Kami man ay naniniwalang worthy ang Ikaw Lamang na maging number one sa primetime. Wala kaming masabi sa consistent flow ng story nito. Mabilis ang takbo ng kuwento. Bawat gabi ay may nagaganap na pasabog. Aabangan talaga mga gaganap na mga karakter sa kwento. Pagdating sa aktingan, bow kami sa lahat as in lahat ng cast. Mula kina Coco Martin, Kim Chiu, Jake Cuenca at Julia Montes wala kaming masabi sa husay nila. Kahit ang senior cast ay talagang napakahusay. Mula kina Cherry Pie Picache, Tirso Cruz III, Cherie Gil, John Estrada, Ronaldo Valdez at Angel Aquino, lahat ay may kani-kanilang winning moments. Ang Ikaw Lamang ay worthy na matawag na master serye. Para sa amin ito ang pinakamagandang teleserye sa primetime television ngayon.

MAYA (JODI) MAGLE-LABOR NANG KAMBAL SA MISMONG LABOR DAY

Gagawing mas memorable para sa Be Careful With My Heart viewers ang darating na Labor Day (Mayo 1) dahil ito rin ang ‘labor day’ ni Maya (Jodi Sta. Maria). Matapos ang ilang buwan pananabik ay masisilayan na nina Maya at Ser Chief (Richard Yap) sina Baby Kambal. Ano-anong sorpresa ang ihahanda ng mga Dela Rosa at Lim para sa mga bagong miyembro ng kanilang pa-milya? Anong mga pangalan ang mapipili ng mag-asawa para sa kanilang kambal? Huwag palampasin ang number one daytime TV program sa bansa, “Be Careful With My Heart,” araw-araw, bago mag-“It’s Showtime” sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-‘like’ ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/becarefulwithmyhearto-fficial.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …