Friday , November 22 2024

Tulak na Tsekwa timbog sa buy-bust

KALABOSO ang wanted sa batas na Chinese national, nang masakote sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni PDEA Director General Arturo Cacdac, Jr., ang suspek na  si Yi Xin Li alyas Johnny Go, 40, may-asawa, residente ng unit 1902 Broadview Condominium sa Masangkay St.

Sa ulat, dakong 9:30 p.m. nagsagawa ng entrapment operation ang PDEA sa tinutuluyan ni Li sa pangunguna ni agent Al Vincent Delgado at John Cortez.

Napag-alaman na nagpanggap ang isa sa mga ahente ng PDEA bilang buyer at bumili ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 sa suspek.

Nang maiabot ang marked money sa suspek kapalit ng shabu na ibinenta nito, dito siya sinakote ng mga operatiba.

Bukod sa ibinentang shabu ng suspek, nasamsam din sa kanyang tinitirhan ang 300 gramong shabu na nagkakahalaga ng P600,000.

Nabatid na may  nakabinbing kaso sa droga ang suspek sa ating bansa maging sa China at nasa wanted list ng PDEA.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *