ni Ronnie Carrasco III
AFTER his Katipunan weekly series on GMA, nothing was heard from Sid Lucero. Halaw ang kuwentong ‘yon sa buhay at pakikipaglaban ni Andres Bonifacio sa mga Kastila, with Sid playing one of our heroes who instigated the armed conflict.
Pero mula noon, hindi na napanood muli si Sid. Buti pa ang kanyang love interest doon na si Gregoria de Jesus (Oriang) na ginampanan ni Glaiza de Castro na gumanap bilang inmate ni Yasmien Kurdi in the previous episodes ng umeere pa ring teleserye ng GMA.
Reportedly, ang work ethic ni Sid ang itinuturong dahilan ng kanyang puwersahang pagpapahinga sa kanya ng GMA despite its belief na isa siyang mahusay na aktor who has undeniably inherited the thespic genes of his father Mark Gil.
Balita ring ang dapat sana’y extended run ng Katipunan had to be cut short dahil sa work attitude ni Sid.
Sayang.