Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

IC, ayaw magkaanak?

ni  ROLDAN CASTRO

MAY bagong raket si IC Mendoza dahil bukod sa pag-arte, pinasok na rin niya ang pagiging publicist at promotion manager ng Miss Teen Earth at Little Miss Earth Philippines ngCaptured Dream Productions headed by Vas Bismark. Ipinagmamalaki niya na may office work din siya.

Ito raw ang pinagkakaabalahan niya habang pinaplano ng bago niyang manager na si Arnold Vegafria ang mangyayari sa kanyang career. Mga tatlong buwan na raw siyang umalis sa Viva Artists Agency.

Gagawa raw ng teleserye si IC sa GMA 7 na pagbibidahan ni Carla Abellana pero napapanood pa siya ngayon sa Confessions of a Torpe ng TV5. Wala naman daw siyang kontrata sa TV5 kaya walang problema kung mapapanood na siya sa Kapuso Network. ‘Pag nagkataon, ito raw ang pangalawang serye niya sa GMA dahil napasali siya noong  2009 sa Darna ni Marian Rivera.

Wish pa rin ni IC na magkaroon ng talk show ulit dahil ang forte niya talaga ay hosting.

“’Yun talaga ang gusto kong makuha sa 7. Kahit sa field muna or whatever,” sambit pa niya.

Iniintriga si IC at tinanong kung dyowa ba niya ang producer na si Vas dahil punong abala siya event.

Mariin niya itong itinanggi.

“Hindi, straight ‘yan,” tugon lang niya.

Zero raw ang lovelife niya ngayon pero hindi nawawala ‘yung pakikipag-date niya.

Gusto rin ba niyang magkaroon ng anak?

“Ako, hindi ko pa sure if kids are for me pero kung gusto ng partner ko, sige, why not. Pero sa ngayon, hindi ko pa siya iniisip. Pero ‘di ba, may iba na pwede silang mag-adopt kahit wala silang partner, ako, feeling ko, kailangan ko pa ng kaunting push,” bulalas niya.

Eh, ‘yung gumawa ng sariling anak?

“Hindi rin. Una, ayoko ng artificial insemination. Pangalawa, ayoko ng keps,” mabilis niyang tugon.

Anyway, gaganapin ang grand finals ng Little Miss Earth Philippines at Miss Teen Earth Philippine sa May 27 at SM Mall of Asia Arena. Mapapanood naman sa June 8 sa GMA 7’s SNBOang delayed telecast nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …