Friday , January 10 2025

Alex, ayaw makasama ni Toni sa PBB

Ikinagulat naman ni Toni  ang pagiging host ng kapatid niyang si Alex sa PBB. Last minute raw niya nalaman. Noong pictorial ay tinanong niya talaga ang Mommy Pinty nila kung bakit kinuha ito saPBB? Ano ang gagawin niya? Kung siya ang masusunod, ayaw niyang kasama si Alex sa PBB. Kung maaga raw niya nalaman ay haharangin niya. Nararamdaman ng Home Sweetie Home star na baka magkaroon ng twist.

Nagbibiruan pa nga raw silang magkapatid na si Alex na ang papalit sa trono niya oras na mag-asawa ito.

“Pero sa Uber lang ako, ‘wag kang ma-threaten. Blood is thicker than water. Bibigyan kita ng panahon para mag-shine,” pagbibiro ni Alex kay Toni sabay tawanan.

Sinabi rin ni Toni na ayaw niyang maging housemate si Alex. Baka kasi biglang ipasok ni Kuya si Alex sa kanyang bahay lalo’t first time itong makakasama sa mga host.

“Baka kasi lumabas ‘yung ugali niya, eh! Maingay, rowdy. Tingnan mo ‘yan pinag-aral mo sa International School pero parang hindi nag-aral sa international. Baka ikasira ng pamilya namin ito. Huwag  na! Galingan na niya  mabuting tao,” deklara pa ni Toni.

ni  ROLDAN CASTRO

About Roldan Castro

Check Also

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Vilma Santos Ed de Leon

Ate Vi dinalaw puntod ni Kuya Ed de Leon

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAG-IISA ka talaga ate Vi, ang ating minamahal na Star For …

Cristy Fermin Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Cristy kinuwestiyon si direk Darryl Yap; respeto sa kapwa iginiit

KONTRA si Cristy Fermin sa pagsasapelikula ni Darryl Yap ng The Rapists of Pepsi Paloma. Ang dahilan, tila gusto raw …

Dina Bonnevie Deogracias Victor DV Savellano

Asawa ni Dina na si DA Usec Victor pumanaw sa edad 65

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PUMANAW na ang asawa ng batikang aktres na si Dina …

Piolo Pascual Toni Gonzaga Toni Talks

Piolo Pascual 13 years nang single, ‘di naghahanap ng dyowa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio LABINGTATLONG TAON na palang walang dyowa si Piolo Pascual. Ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *