Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarili nabaril parak tigbak

BACOLOD CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives kaugnay sa pagkamatay ng pulis na kasapi ng Sipalay City Police Station sa lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon kay Supt. Noel Manaay, hepe ng Sipalay City PNP, ito ay upang matukoy kung accidental fi-ring talaga ang dahilan ng pagkamatay ni PO2 Jury Ayo, 36, residente ng Brgy. Canturay, Sipalay City.

Si Ayo, nakatalaga bilang Police Community Relations Officer ng Sipalay City PNP, ay idineklarang dead on arrival sa Sipalay Emergency Clinic makaraan aksidenteng mabaril ang sarili.

Batay sa inisyal na im-bestigasyon, naglilinis ang biktima ng kanyang service firearm dakong 7:30 a.m. kamakalawa nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang barracks sa likuran ng police station.

Tinamaan ang biktima ng bala ng 9mm Glock pistol sa kanyang bibig na tumagos sa kanyang ulo.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …