Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

San Mig vs Air 21 (Game One)

KARANASAN ang magiging pangunahing sandata ng San Mig Coffee laban sa gutom ng Air 21 sa kanilang pagkikita sa Game One ng best-of-five semifinal round ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang 8 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang Mixers, sa ilalim ni coach Tim Cone ay nagkampeon sa huling dalawang torneo ng PBA. Sa kabilang dako, ngayon lang nakapasok sa semifinals ang Air 21 sa ilalim ng prangkisa ng Shopinas.

Magkaganito man ay hindi andap si coach Franz Pumaren sa sinasabing bentahe ng Mixers. Sa halip, sinabi ni Pumaren na sisikapin nilang makaakyat pa at makarating ng malayo.

Umabot sa semis ang Air 21 nang silatin ang second seed San Miguel Beer na tinalo nila ng dalawang beses sa quarterfinals. Ang Express ay nagtapos sa ikapitong puwesto sa elims at nakaharap ang Beermen na may twice-to-beat advantage.

Sa kabilang dako, natalo naman ang Mixers sa defending champion Alaska Milk sa Game One ng kanilang best-of-three quarterfinals series.

Pero nanaig ang Mxers sa huling dalawang laro upang wakasan ang paghahari ng Alaska Milk.

Sa kanilang tanging pagkikita sa elimination round noong Abril  ay dinaig ng San Mig Coffee ang Air 21, 97-84.

Subalit sa larong iyon ay lumamang ang Express ng 15 puntos, 77-64 sa pagtatapos ng third quarter. Hindi nga lang nila naipagpatuloy ang magandang ginagawa nila at hinayaang makabalik ang San Mig Coffee upang manalo.

Pinangunahan ni James Mays ang Mixers sa larong iyon nang magtala siya ng 23 puntos. Subalit mas marami ang ginawa ni Wesley Witherspoon na nagtapos nang may 27.

Si Mays ay susuportahan nina  Peter June Simon, Marc Pingris, Mark Barroca, Joe De Vance at two-time Most Valuable Player James Yap na naghahangad na makabawi buhat sa pagkakabokya niya sa huli nilang laro kontra sa Aces.

Si Witherspoon ay tutulungan nina Paul Asi Taulava, Mark Cardona, Sean Anthony, Aldrech Ramos at Joseph Yeo.

Samantala, ang Game Two ng kabilang semifinals series sa pagitan ng Talk N Text at Rain Or Shine ay lalaruin bukas sa ganap na 8 pm sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …