NAHAHARAP sa matinding paliwanag ang makers ng high-tech police anti-riot vehicle makaraan mapinsala ng mga itlog at tennis balls ang nasabing sasakyan na nagkakahalaga ng £820 million.
Nabatid na omorder ang Germany’s Interior Ministry ng 78 WaWe 10 water cannon-equipped vehicles na ipinagmamalaki ng Austrian manufacturer Rosenbauer na kayang sumagupa sa ano mang matinding sitwasyon.
Ang nasabing sasak-yan ay ipinakita sa publiko ng police chiefs sa central province ng Thuringen.
Binato ng mga pulis ng itlog, tennis balls at plastic bottles na may tubig ang sasakyan upang subukan ito, katulad ng paghahagis ng bricks, bato at petrol bombs ng mga demonstrador.
Ngunit nagkabutas-butas ang armoured glass ng 33 tonne vehicle.
Nabunyag ang insidente nang mapilitan ang pulisya na humingi ng pondo mula sa Interior Ministry upang maipaayos ang pinsala ng sasakyan.
Bunsod nito, iginiit ng Interior Ministry sa Rosenbauer na magpaliwanag kung bakit napakadaling masira ng ‘riot-proof’ vehicle
Sinabi ng police spokesman, maaari pa ring magamit ang nasabing sasakyan ngunit hinihintay nila ang desisyon ng eksperto kung kailangan nang palitan ang salamin nito. (ORANGE QUIRKY NEWS)