Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Personal na laban vs droga 2

MASASABING preventive ang kampanya kontra droga sa bansa. Kung walang mga pusher, walang mga user. Ngunit laging may magbebenta dahil malaki ang kinikita sa drug trafficking, kaya naman umaarangkada ang negosyong ito.

Kung subukan kaya nating baligtarin ang logic at gawing “kung walang users, walang pushers,” mas mapapadali siguro ang pagkontrol sa problema dahil kung wala nang kikitain sa pagbebenta ng droga sa pananamlay ng merkado, siguro’y ililipat na lang ng mga bigtime trafficker ang kanilang negosyo.

Uubrang magawa ito kung magmamalasakit lang ang bawat isa sa pagsusuplong sa mga drug abuser bilang mga potensiyal na panganib.

Dapat isailalim ng gobyerno sa drug test ang lahat ng kawani nito at sibakin ang tatangging magpa-rehab. Maging ang mga pribadong kompanya ay puwedeng isama ang drug test sa kanilang pre-employment requirement kasama ng karaniwang medical examination.

Naniniwala pa rin ako na hindi dapat tinanggal ang pagsasailalim sa mga driver ng bus, taxi, jeepney at tricycle sa periodic drug test ng Land Transportation Office upang mapigilan sila sa pamamasada hanggang sa ‘dry’ na sila.

Sigurado akong walang problema para sa mga operator ng mga pampublikong sasakyan kung aakuin nila ang gastos sa drug test dahil nangangahulugan naman ito ng proteksiyon ng kanilang mga sasakyan.

Puwede rin magbukas ng isang seldang pang-rehab sa bawat police district at estasyon na popondohan ng mga civic-spirited na tao at negosyo sa lugar.

Sa pamamagitan nito, mababawasan ang nagsisiksikan sa mga drug rehabilitation center sa bansa at epektibo na silang mapangangasiwaan dahil mas malapit na ang mga drug user sa kani-kanilang komunidad.

***

SHORT BURSTS. For comments or reactions, email [email protected] or tweet @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …