NASAMSAM ang P16-milyon shabu at arestado ang 11 ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs – Special Operation Task Group (SAID-SOTG) sa isinagawang buy-bust sa Marikina City, iniulat kamakalawa.
Unang nalambat sa nasabing operation sina Miralona Iyana Pimba, alyas Alona, 30, ng Singkamas St., Brgy. Tumana; Salim Lala Pimba alyas Salim, 38, may-asawa, ng #40 Singkamas St.; Albert Alipato alyas Buboy, 42, ng Daisy St., Minahan Brgy. Malanday; Elaine San Jose Medina, alyas Ella, ng #68 Palay St., Tumana; at Aldrin Catdoy Rebuso, alyas Ipit, 27, ng #24 Daisy St., Brgy. Malanday, pawang ng lungsod ng Marikina.
Nasamsam ng mga awtoridad sa mga suspek ang 500 gramo shabu na may halagang P.6 milyon, mga bala, cellphone, timbangan ng droga at cash na P.2 milyon at P20,000 marked money.
Kasunod na nasakote ang mga suspek na sina Recon Pimba, 38, alyas Yasmin 17; at alyas Jerome 17, pawang nakatira sa Blk-43, Singkamas St., Bgy. Tumana, ng lungsod.
Nakompiska sa kanilang pag-iingat ang shabu na may street value P.7 milyon, dakong 2:20 p.m. sa nasabi rin lugar.
Bukod sa nauna, tatlo pa ang nadakip na pinaniniwalaang mga tulak ng droga na sina Amino Malaatao Abdul, 26; Asmila Afuan Gimba, 30; at Ian Lawrence Merdegia Banares, 18, kapwa tubong Marawi, pawang nakatira sa Blk-45, Mais St., Bgy. Tumana.
Nakompiska sa mga suspek ang ilang plastic sachet ng shabu may street value na hindi bababa sa P.5 milyon, 8 cellphone, isang cal. 45 baril, mga bala at cash na ginamit sa buy-bust.
Nakapiit ang mga suspek sa detention cell ng Marikina police at sasampahan sa piskalya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, Section 26, 05 at 11, Article II at Presidential Decree 1866 (illegal possession of firearms and ammunitions).
(MIKKO BAYLON)