NAMATAY ang isang construction laborer nang mahulog mula sa 40th floor saka bumagsak sa 28th floor at humampas sa e-beam ng crane sa ginagawang 5-star hotel sa Taguig City, iniulat kamakalawa.
Patay na nang idating sa Saint Luke’s Global City ang biktimang si Roger Bombita, 32, ng Angeles, Pampanga.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Rodelio Abenojar, ng Investigation Detective & Management Section (IDMS), dakong 1:30p.m. naganap ang insidente sa ginagawang Shangri-La sa The Fort, Taguig, kamakalawa.
Samantala, basag ang ulo ng criminology graduate ng University of Iloilo makaraan tumalon mula sa isang gusali sa Cebu dakong 7:07 a.m. kahapon.
Kinilala ang biktimang si Gerald Ocson, nagmula sa San Dionisio, Brgy. Ibarra, Iloilo City.
Batay sa pagsisiyasat ng Crime Scene Investigation, nakuha sa laptop bag na pagmamay-ari ni Ocson ang ID bilang gwardya, gayondin ang police clearance na galing sa Iloilo City Police Office, school ID, at resibo ng Pera Padala.
Sa gitna ng Borromeo St., Cebu biglang bumagsak ang katawan ni Ocson. Agad binawian ng buhay ang biktima dahil una ang ulong bumagsak makaraan tumalon mula sa ikatlong palapag ng gusali. Pansamantalang suicide ang tinitingnang anggulo ng mga awtoridad sa insidente.
ni JAJA GARCIA