Friday , November 15 2024

Laborer laglag mula 40/f dedbol (Crim grad tumalon mula 3/F nangisay, patay)

042914_FRONT

NAMATAY ang isang construction laborer nang mahulog mula sa 40th floor   saka bumagsak  sa 28th floor at humampas sa e-beam ng crane sa ginagawang 5-star hotel sa Taguig City, iniulat kamakalawa.

Patay na nang idating sa Saint Luke’s Global City ang biktimang si Roger Bombita, 32, ng Angeles, Pampanga.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rodelio Abenojar, ng Investigation Detective & Management Section (IDMS), dakong 1:30p.m. naganap ang insidente sa ginagawang  Shangri-La sa  The Fort, Taguig, kamakalawa.

Samantala, basag ang ulo ng criminology graduate ng University of Iloilo makaraan tumalon mula sa isang gusali sa Cebu dakong 7:07 a.m. kahapon.

Kinilala ang biktimang si Gerald Ocson, nagmula sa San Dionisio, Brgy. Ibarra, Iloilo City.

Batay sa pagsisiyasat ng Crime Scene Investigation, nakuha sa laptop bag na pagmamay-ari ni Ocson ang ID bilang gwardya, gayondin ang police clearance na galing sa Iloilo City Police Office, school ID, at resibo ng Pera Padala.

Sa gitna ng Borromeo St., Cebu biglang bumagsak ang katawan ni Ocson. Agad binawian ng buhay ang biktima dahil una ang ulong bumagsak makaraan tumalon mula sa ikatlong palapag ng gusali. Pansamantalang suicide ang tinitingnang anggulo ng mga awtoridad sa insidente.

ni JAJA GARCIA

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *