Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kompanya ng sapatos, ‘di na ini-renew ang kontrata ni sikat na aktres dahil sa nakadidiring malagkit na pawis ng paa

ni Ronnie Carrasco III

ANG pasmadong paa na parang inaagusan ng malagkit na pawis ng isang sikat na aktres ang talaga namang pinandirihan ng isang kompanya na kumuha sa kanya bilang endorser sa brochure nito.

Kuwento ng mismong resident photographer sa shoot ng pictorial, ”Tumatagal tuloy kami dahil once na hinubad na ni (pangalan ng aktres) ‘yung imino-model niyang isang pares ng sapatos, eh, kailangan pang kuskusin ‘yon! Kapag hinubad na niya kasi ‘yon, mamutik-mutik na ‘yung sapatos na aakalain mong ipinanlakad niya ‘yon sa maputik na bukid! Dusa talaga!”

Dagdag pa nito, ”Imagine, ‘yun na ngang itim na sapatos na kakulay ng putik, eh, nagmamarka pa ang putikang pawis ng aktres na ‘yon? Kadiri talaga, to think na sa ganda pala niyang ‘yon at kakinisan ng balat, eh, may itinatago pala siyang dumi sa katawan!”

Minabuti ng kompanyang hindi na lang i-renew ang kontrata ng aktres na ‘yon na itago na lang natin sa pangalang Roxanne Minerva.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …