Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ikinakasal sa GF sa panaginip

Dear senor,

Napanagnipan ko po n ikakasal na kme ng gf ko ano po ba ang ibig sabihn non sir siñor slmat po hataw dont publish my # im xyrus 09

To Xyrus 09,

Ang panaginip ukol sa kasal ay maaaring nagsasaad ng hinggil sa commitment, harmony o transitions. Ito ay nagpapakita rin na ikaw ay sumasailalim (o sasailalim) sa isang mahalagang kabanata sa iyong buhay. Ang panaginip mo ay posibleng nagsasabi rin ng pagsasama ng mga aspeto ng iyong pagkatao na noon ay magkakasalungat. Tignan ang mga katangian ng taong napanaginipan mong iyong pakakasalan dahil maaaring kailanganin mong isama sa iyong pagkatao ang mga karakteristik na ito.

Ang panaginip mo ay maaaring nagbabadya rin ng paparating na kaligayahan na mararanasan tulad ng sa isang maayos at buong pamilya, na siya namang inaaasam ng lahat. Subalit depende rin  iyon kung tunay at busilak talaga ang damdamin ninyo para sa isa’t isa ng magiging asawa mo, eventually. Posible rin na nasa iyong subconscious ang pagnanasang makasal na kayo ng GF mo very soon o naiinip ka nang maging misis mo siya, kaya naging ganito ang tema ng panaginip mo. Wala namang masama kung talagang nagmamahalan kayo, ang mahalaga lang-bukod sa dapat na sigurado kayo sa inyong mga nararamdaman, dapat din na handa na kayo financially at emotionally sa pagbuo ng sarili ninyong pamilya. Good luck sa inyo and God bless.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …