Monday , December 23 2024

Holdaper sugatan sa hinoldap na parak

NAARESTO habang nilalapatan ng lunas sa Sta. Ana Hospital ang isa sa riding in tandem na nangholdap sa isang pulis habang nagpapahinga sa harap ng kanilang bahay sa San Andres, Maynila kahapon.

Kinilala ang biktimang si SPO4 Diosdado Camus, 54, ng Diamante Street corner Road 2, San Andres Bukid, Maynila, nakatalaga sa MPD Station 6.

Mahigpit na binabantayan ng mga pulis ang isa sa mga suspek na si Alvin Carino, ng #1801 Int. 22, Barrio La Purisma, Paco, Maynila, naka-confine sa nabanggit na ospital.

Nakatakas ang isang suspek na hindi rin nakilala.

Ayon kay SPO1 Ronald Santiago, dakong 2:30 p.m. habang nagpapahinga ang biktima sa harap ng kanilang bahay biglang huminto ang motorsiklo ng mga suspek.

Tinutukan ng mga suspek ang biktima ng patalim sabay hablot ng kwintas ng pulis. Ngunit lumaban ang pulis at pinaputukan ang dalawang salarin. Bagama’t may tama, nakatakas si Carino at ang kanyang kasamang holdaper.

Gayonman, sa follow-up operation ng mga awtoridad ay natunton si Carino habang ginagamot sa Sta. Ana Hospital.

– LEONARD BASILIO

(May kasamang ulat nina CAMILLE BOLOS, NIKKI-ANN CABALQUINTO, ANTONIO MAAGHOP, JR., BHENHOR TECSON, at LARA LIZA SINGSON)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *