INIIMBESTIGAHAN ng Pasig PNP ang pagkakapaslang sa isang Pasig police na bumulagta matapos magpaputok ng shotgun ang amok na si-nabing anak ng may-ari ng eskwelahan sa Pasig City.
Gayonman, lumutang din ang espekulasyon na
nabaril ang biktimang si SPO1 Clemente Fernan ng dalawa niyang kasama sa pag-aakalang suspek siya, kamakalawa.
Ayon kay Supt. Ma-rio Rariza, nagsasagawa ang kanyang tanggapan ng imbestigasyon sa pagkamatay ng biktimang si Fernan.
Sa ulat, nabaril ng kapwa Pasig police ang biktima nang magres-ponde sa pagwawala ng anak ng may-ari ng St. Gabriel International School.
Ayon sa report, nakasibilyan si Fernan at naglalaro ng basketball sa compound ng paaralan ng hingan ng saklolo ng isang sekyu dahil sa pagwawala ni Emerson Aries Go, anak ng school owner.
Agad tumalima si Fernan, pero bago pa siya makalapit ay pinutukan na siya ng shotgun na hawak ni Go.
Kasabay umano nito dumating ang dalawang pulis na hindi pa pina-ngangalanan.
Sa ulat, napagkamalan umano ng dalawang pulis na suspek ang nakasibilyang si Fernan na agad bumulagta sanhi ng tama ng baril ng shotgun.
Inaresto si Go at nakatakdang sampahan ng kasong homicide.
Isinailalim sa awtopsiya ang bangkay ni Fernan para tiyakin kung kanino galing ang balang kumitil sa kanyang buhay. (ED MORENO)