MAY puso’t damdamin si Aldrin Mercader dahil siya’y makatao siya sa pagkakaaresto niya sa anak ni Ka Roger Rosal na nahuli kamakailan na si Andrea Rosal. Agad siyang dinala sa hospital upang maipagamot dahil sa kalagayan ng kanyang ipinagbubuntis.
Sa aking panayam kay Aldrin Mercader, sinamahan si Andrea sa kalapit na hospital ng NBI, upang matingnan ang kalagayan ni Andrea at matiyak ang kaligtasan ng anak ni Ka Roger.
Sabi ni Marcader “Okay naman siya, si Andrea. We had her checked up last Saturday, pina-ultra sound namin siya at natuwa siya nang malaman niya na babae ang anak niya.”
Ayon sa NBI, si Andrea ay inaresto at dalawa pang kasamahan sa pinagsanib pwersa ng NBI at military sa Caloocan City sa bisa ng arrest warrants for murder na inisyu ng Mauban, Quezon Regional Trial Court Branch 64.
Kasama ni Andrea na nahuli noong nakaraang lingo ay sina Rafael “Jomel” de Guzman at Barangay Captain Ruben Gatchalian.
Ayon kay Mercader, si De Guzman ay kinasuhan kasama si Andrea ng kidnapping with murder case pending with the Quezon court.
Kaya naman ang Anti-Organized Crime ng NBI ay tinulungan si Andrea pero wala silang intention na hindi makatao dahil ang hangarin lang nila kahit kaaway siya ng gobyerno ay kaligtasan pa rin niya ang inintindi kaya isinugod sa hospital noong mahuli nila.
Talagang nagtatrabaho ang anti-organized CRIME Division ng NBI at puspusan ang pagsisikap na mahuli lahat ng NBI ang mga gumagawa ng ‘di maganda para sa bayan.
Sa pamumuno ni NBI Director Virgilo Mendez at Deputy director for Investigation Atty. Ricardo Pangan asahan natin na maraming accomplishment ang team.
Handa nang lansagin ni Pangan at imbestigahan ang high profile cases sa NBI.
Congratulations SI Aldrin Mercader.
***
Congratulations sa lahat ng nabigyan ng Commendation ni MICP Collector Elmir Dela Cruz dahil nakita niya na talagang ginagawa nila lahat ang trabaho para maabot ang target collection ng MICP.
Talagang mahusay mamuno si Coll. Dela Cruz dahil maganda ang patakbo niya sa kanyang nasasakupan.
Isa siyang magaling na leader dahil lahat nabibigyan niya ng attention hindi lang ang koleksyon kundi pati na rin ang mga empleyado kasama ang CIIS at mga Police sa MICP.
Kaya naman tuwang-tuwa ang examiners, appraisers, division chiefs dahil nakikita nila ang kanilang pinaghirapan.
Kaya naman malaki ang paghanga at respeto ng mga tao sa MICP kay Coll. Elmir Dela Cruz.
Hindi lang siya magaling kundi masipag pa.
Kaya naman lahat sa MICP ay nagtutulong-tulong at nagkakaisa para maabot ang collection target at masugpo ang smuggling.
Kudos sa inyong lahat sa MICP.
Mabuhay kayo at mabuhay ka Coll. Elmir Dela Cruz.
Keep up the good work po!
***
Grabe itong report na napapalibutan daw si Depcom Tan ng dalawang magagandang cobra na puro tirador sa pagkakaperahan ng Tax Credit Certificate na hanggang ngayon ay namamayagpag pa sila.
Si Atty. Mapot at si Atty. Dizuan na pawang milyon daw ang kinikita at nabubukulan daw at walang malay si Depcom Tan.
Totoo ba ang report na ito?
Sila ang tinaguriang cobra ng BoC na walang kabusugan.
Balita natin ang yayayaman na raw nila.
Dapat isalang na sila sa Lifestyle check.
***
Grabe ang salyahan at balyahan ng mga immigration na nakatalaga sa Clark, Subic, Mactan, Laoag. Mukhang bulag daw ang mga nakatalaga doon. Bakit kaya?
Maraming nagtatanong kung bakit magkakamag-anak na raw ang mga taga-Immigration, Ama, Asawa, anak, pamangkin, pinsan, girlfriend, kabit.
Ano ba ang nangyari sa Immigration?
May nagbulong sa amin na napakatahimik ng Immigration pero milyon ang kitaan pala diyan.
Maalala naman ninyo ‘yung Kim Dae dong na nakatakas sa kanyang hospital at maraming nakatakas pa na mga fugitive na nakabinbin pa ang kaso sa DoJ na hanggang ngayon ay wala pa rin kasagutan.
Pangulong Noynoy, dalhin mo na rin sila sa Department of Justice gaya ng ginawa mo sa BoC para tumino naman sila.
Paging NBI Interpol, kilos na, manmanan n’yo na ang mga nakikipagsabawatan sa mga fugitives sa ating bansa.
Kasuhan n’yo na rin at huliin ang mga taga- Immigration na kasabwat sa ganyang gawain.
Jimmy Salgado